Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo na nagugustuhan kita, na nahuhulog ang loob ko sa iyo. Ayan, kung mababasa mo itong entry na ito at matutukoy mong ikaw nga si W ay alam mo na ang nais kong sabihin.
At ano nga ba ang nagustuhan ko sa iyo?
Masaya kang kausap. Kapag kausap kita, akala ko tayong dalawa lang ang nasa lugar na iyon at wala ng iba pa. Naaalala mo ba ung minsang magsabay tayo pauwi sakay ng MRT? Parang walang anuman na nakatayo tayo sa nagsisiksikang mga tao pero tuloy pa rin tayo sa ating kuwentuhan, sa iyong mga balak, sa isang pamilyar na taong kilala pala natin pareho, si V. Muntik ka pa nga lumagpas sa istasyong iyong bababaan.
Hindi ko rin pansin ang oras pag magkausap na tayo, walang oras na lumilipas kapag magkausap tayo. Nalilimutan ko ang pagod ko, napapalitan ng tuwa ang nasa puso ko.
Maalaga ka, makarinyo ka. Hindi naman sa touchy at flirt na paraan. Naroon pa rin ang paggalang.
Gustong-gusto ko ang iyong pagngiti. Alam mo bang sa tuwing pinatutungkulan mo ako ng iyong mga ngiti ay natutunaw ang aking mga tuhod, nawawalan ako ng ulirat kung bakit, ano, paano, saan, kailan. Hindi napapawi sa aking isipan ang iyong ngiti.
Higit sa lahat, wag mo sanang masamain kung iniisip ko palagi ang kilikili mo. Ito kasi ang isa sa mga naka-a-attract sa akin na bahagi ng katawan ng isang lalaki, at para sa akin, ang macho ng dating ng iyong kilikili. Parang gusto kong sa tuwing magyayakap tayo (at kailan nga ba mangyayari ito?) ay ibabaon ko ang aking ilong sa kilikili mo. Sa ganito kasi, nakakaramdam ako ng seguridad. At gusto ko nang maramdaman sa iyo iyon.
Subalit, hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa iyo na nagugustuhan kita, na nahuhulog ang loob ko sa iyo.
Paano nga ba aaminin sa isang straight na kaibigan ang lahat ng mga pag-aming inilahad ko dito?

No comments:
Post a Comment