Posible bang mahalin ng isang straight ang isang may pusong babae?
Noong nag-aaral ako sa kolehiyo, nakilala ko si B, isang straight na kasama ko sa org. Pumupunta siya sa bahay namin linggu-linggo; tumatambay sa kuwarto ko. Pinupuntahan ko siya sa bahay nila (ipinakilala niya ako sa pamilya niya) at sabay kaming pumapasok sa eskuwela. Madalas dinadala pa niya ang mga gamit ko.
Hindi nagtagal, napansin na rin kami ng mga kasama. Naging masyado yata kaming showy. Kapag nagmemeriyenda kami sa lugawan malapit sa eskuwela, kinukuha pa niya ako ng inumin. Share kami halos sa lahat ng bagay. Hindi lang kuwarto ko ang napasok niya, kundi pati ang puso ko.
Dumating ang araw na may babaeng naka-close si B. Hanggang sa maging sila.
Dahil sa pangyayaring iyon, nagsimula na akong umiwas sa kanya. Nagpakalayu-layo ako. Nagpakatagu-tago. Pumasok ako sa madilim na kagubatan at niligaw siya sa mga pasikut-sikot doon.
Itinago ko nang mainam ang puso ko. Lumitaw din kasi noon ang ganoong palaisipan tulad ng pinagtatakhan ko ngayon. Saan patungo ang ganoong relasyon?
Hanggang sa dumating ang puntong nagtapat si B. Hindi sa akin kung hindi sa mga kasama namin sa org. Iniyakan niya ako sa harap nila.
Matapos ang walong taon, malaki na ang anak sa labas ni B at nakatakda na siyang magpakasal sa ibang babae. Tinanong ko siya. Sabi ko, kung sakaling nagtapat ako sa kanya noon at niligawan ko siya, sasagutin ba niya ako.
Sinagot niya ako ng Oo.
January 1, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sayang.
ReplyDeletealam mo, sobra akong naka-relate. may sakit kasi akong laging na-ffall sa straight guy kahit alam ko namang walang patutunguhan ang ganong bagay. Bakit kasi hindi lang sa kapwa bi o gay ako ma-inlove. leche.
ReplyDeletedalawang beses na ako nainlab sa straight guy. ung una, halos ganon din ang kwento. magkaklase kami, naging superclose, nagsisine na kami lang dalawa, kumakain sa labas na kamilang dalawa, nag-gogrocery together, nagbabayad ng bills. Ako pa nga taga-gising nya halos araw-araw para iremind xang mag-aral. pero hanggang dun lang yun. walang tapatang nangyari. umiwas ako kasi parang napagod na ako, hindi man lang nya ako hinabol.
parang hindi ako nadala sa unang beses, may bago nanamng straight guy. kaklase ko nanaman sa ibang skul. ganun din, dinner date, movie, dinala ko pa nga xa sa family dinner namin. pero never namin napag-usapan kung ano meron kami. lumayo sya, hinayaan ko.
un ang tema sa buhay pag-ibig ko. ang mahirap kasi, walang dapat pag-usapan kung ano man ang mangyari o kung may lumayo man. kasi hindi naman kami. kasi wala namang tapatang nangyari. kasi hindi naman nila sinabi na mahal rin nila ako. kaya wala akong karapatang magreklamoo magtanong man lang. kimkim sa loob ang sakit at hirap.
so laro laro lang ba para sa kanila yun? wala lang. ganun? hai ewan.
pasensya na at medyo napahaba yata ang comment ko. parang blog entry na. dito pa ako nagkalat. shet. sobra lang talaga akong nakarelate.
and btw, ang ganda mo ha, iniyakan ka ng lalaki. :)