Sinisikap kong palaging ipaalala sa sarili na may kahalagahan ang pagiging bakla ko. Na kaya nang nagkaroon ako ng kalayaang pumili ng sexual preference ko, ay dahil mayroon iyong magiging kahulugan at kabuluhan.
Pero pauli-tulit na binabanggit ng kapatid kong babae na sayang at nagkaroon siya ng kapatid na bakla. Wala raw siyang maasahan mula sa akin. Na wala akong silbi.
Marahil, tama ang kapatid ko. Hindi ako maasahan bilang lalaki sa bahay, na siyang mahalagang bagay para sa pamilyang Filipino: ang lalaki ang sandigan. Na ang pagkalalaki ng asawa, anak, o kapatid ay siyang balong pinagmumulan ng lakas ng buong pamilya.
Pero pinili kong maging bakla at para sa aking magulang at mga kapatid, nawalan ng kabuluhan ang pagiging lalaki ko. Nabakli ang isang sanga ng namumungang punongkahoy.
Hindi sila natuwa nang buong pagkalalaki kong pinanindigan ang aking pagkabakla. Hindi sila namangha sa gilas kong ipagtanggol ang sarili mula sa mapanghusgang balana.
Binalik ko ang tingin sa kanila at nakita ko ang kanilang pagkalugmok.
Talunan. Dahil sa pagkabakla ko.
Kaya hinihigitan ko ang aking sarili, ang sariling pagkalalaki ko. Pero gayunpaman, hindi ito sumasapat sa pamantayan ng aking pamilya. Naiiwang laging salat. Laging may kulang.
Buo sa aking loob na wala ang pagkukulang sa akin. Alam kong ginawa at ginagawa ko ang dapat asahan mula sa akin, ang lalaking anak, ang lalaking kapatid. Kaya sa tuwing sinasabihan ako ng mga kapatid ko, tumitimo sa isipan ko na wala sa akin ang diperensya, ang mga isip ninyo ang kumikitid, nagiging kanal na walang nakikitang pag-agos, anyong sadyang matagal na mananatili.

No comments:
Post a Comment