February 16, 2010

Mistress

Freedom comes when you learn to let go. Creation comes when you learn to say no… You are my lesson, I have to learn. I was your fortress, you have to burn. Pain is warning that something is wrong…
Madonna



Masaya ka. Malungkot ka. Alam mong may kulang sa buhay mo. Alam mo ring sapat kung ano man ang mayroon ka. Tanggap mo na rin sa sarili na wala naman talagang forever. Pero mayroong today.

Hindi mo naman inaasahan ang mangyayari. Nakita mo ang number niya sa likod ng upuan sa bus. 0919… Sexmate!

Inamin mo sa sarili mong nalibugan ka. Pero alam mo rin ang risk na pagkuha ng number na iyon at itext siya.

Maaaring tripper lang. Maaaring manloloko. Maaaring magnanakaw. Maaaring may sakit. Maaaring malibog lang talaga. Maaari din naming hindi siya ang nagsulat ng number niya sa bus. Maaari din naming matino…

08:00PM. Missed call. Sinagot niya. Binaba mo. Nagtext siya: Sino po sila? Sinubukan mong itanggi na sinadya mong magpa-ring. Pero umamin ka rin. Mukha naman kasing okey kausap.

08:30 PM: Age. Sex. Location? Name? 20something, Bi… Talaga saang bus? Hindi ako ang nagsulat nun. Baka may nagtrip lang sa akin…

09:15PM: May girlfriend ako.

12:00 Midnight. Nagkakabiruan na kayo. Nakakapalagayan na ng loob. Tumawag siya. Tumawag ka rin after na maputol ang tawag niya.

2:00AM… Gudnyt. It’s been wonderful knowing you. Add kita sa Friendster.

9:00AM: Thanks sa pag-add. Nakita ko na picture mo. Cute ka pala. Nahiya akong bigla. I think I like you. I think I like you too.

12:00 Noon: Nagluluto ako ng lunch namin. Mahilig akong magluto. Gusto mo minsan ipagluto kita…

5:00PM. 6:00PM. 7:00PM…11:00PM… Salamat sa tawag. Sure, sige bukas ng alas siyete pagkalabas ko sa office. Dinner, and then anywhere you want to go…

08:00AM: Gudam. I’m excited to see you. Tuloy tayo ha kahit malate ako ng kaunti.

12:00 Noon: Lunch na. Ilang oras na lang magkikita na tayo.

07:00PM: Narito na ako.

07:10PM: Hi. Hello. Finally…

09:00PM: Let’s keep this to ourselves ha. Baka kasi malaman ng GF ko mabuko pa ako. I like you…

01:00AM. O paano, sakay na ako. I had a wonderful time with you. (Stolen Kiss)

01:20AM: Ingat ka sa pag-uwi… Hon.

Marami pang text exchanges and calls. Marami pang pagkikitang sumunod. Movies, mall, three hours, overnight.

Marami pang palitan ng I love you’s, intimate at romantic moments.

Nararamdaman mong sincere at honest siya. Alam mo at napag-uusapan ninyo ang limitasyon ng bawat isa. Matino siyang kausap. Matalino. Ideal.

Willing ka. Willing siya.

May girlfriend siya. Boyfriend mo siya.

Hangang kailan.

07:00AM: Gudam Hon…

No comments:

Post a Comment