February 24, 2010

W, ang pagtatapat



Finally, nagtapat si W: "Wala ka bang nakikita...o nararamdaman man lang?"

Kinilig ako. Hindi matawaran ang kilig ko ng mga sandaling iyon.

Ang tugon ko: "Wala e. Dali, sabihin mo sa akin...ano ba ang dapat kong makita o maramdaman?"

Si W: "Talagang wala?"

Ako: "Wala. Sabihin mo na."

At hindi ko na napigil ang aking kilig. Napuno na ang salop ko ng kakiligan at nag-uumapaw na. Napapangiti na ako ng sobra.

W: "Ganito kasi... Gusto ko... Gusto ko si M."

Finally, nagtapat si W. At biglang naging napakalungkot ko.

No comments:

Post a Comment